^

Metro

Trader itinumba sa loob mismo ng bahay

- Ni Angie dela Cruz -

Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang isang negosyante nang pa­sukin ng apat na arma­dong kalalakihan ang bahay nito sa Quezon City, kahapon ng madaling- araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng ka­libre .45 sa mukha at dibdib ang biktimang si Evange­line Espiritu, 56, residente ng Brgy. Gulod, Novali­ches, Quezon City.

Isa pa lamang sa apat na suspek ang nakilala ng pulisya sa pangalang Bong Consular, sinasabing miyembro ng Kidnap for Ransom Syndicate (KRS) na ngayon ay pinagha­hanap ng pulisya.

 Sa pagsisiyasat ni PO2 Randy Bantillo, ng Quezon City Police Dis­trict-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naga­nap ang in­sidente dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa loob mismo ng bahay ng bik­tima.

Ayon sa ka-live-in ni Espiritu na si Ruben Perez, 57, bago ang pamamaril ay ginising sila ng mga katok sa kanilang pintuan kaya dali-daling binuksan ng biktima ang pinto.

Pagka-bukas na pagka­- bukas aniya ng pinto ay biglang sinalubong ang biktima ng mga putok ng baril na agad na ikina­ma­tay nito. Bago rito, sinabi ni Perez na pinagbantaan ng suspek na si Consular ang biktima pero hindi na­ba­tid kung ano ang dahilan.

Ang kasong ito ay pa­tuloy na binubusisi ng pulisya.

AYON

BONG CONSULAR

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ESPIRITU

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DIS

RANDY BANTILLO

RANSOM SYNDICATE

RUBEN PEREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with