^

Metro

3-anyos naatrasan ng truck, pisak

-

Pisak ang ulo ng 3-anyos na batang babae nang masa­gasaan ng malaking gulong ng isang trailer truck, habang naglalaro, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Dead-on- the-spot ang biktmang si Ge­raldine Gomez, ng Capulong Highway, Tondo, Manila, bunga ng pagkadurog ng bungo.

Hawak na ng pulisya ang suspect na si Reggie Wacay, driver ng trailer truck at resi­dente ng Area H, Gate 3, Pa­rola Compound, Tondo, na sina­sabing sumuko kaagad sa awtoridad. Ayon sa ulat, da­kong alas-8 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktma sa Capulong Highway.

Nabatid na habang nagla­laro ang bata ay napunta ito sa tabi ng gulong ng nakapara­dang trailer. Hindi umano aka­ lain ng driver na may bata sa ilalim ng truck kaya nang iatras niya ito ay nagulungan ang bata sa ulo. Nakatakdang sampa­han ng kasong reckless impru­dence resulting in homi­cide ang suspect. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AREA H

AYON

CAPULONG HIGHWAY

GOMEZ

HAWAK

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NABATID

REGGIE WACAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with