^

Metro

Bagong modus ng mga kawatan: Dukot bago limas

-

Nagbabala kahapon sa pub­liko ang Quezon City Police Dis­trict (QCPD) na mag-ingat sa guma­galang mga holdaper na dinudukutan muna ang ka­nilang bibiktimahin at saka lilima­san ng mga ari-arian sa loob ng isang SUV (sports utility vehicle) van.

Ito’y matapos na mabiktima ng bagong modus ng mga hol­daper ang 28-anyos na si Dennis Bustamante, ng Brgy. Holy Spirit, ng naturang lung­ sod pasado alas-9 kama­kalawa ng gabi.

Sa salaysay ng biktima, naglalakad siya pauwi ng kan­yang bahay nang biglang hin­tuan siya ng isang dirty white na Toyota Revo na hindi niya na­plakahan. Dito lumabas ang apat na lalaki na armado ng baril at sapilitan siyang kinaladkad pa­pasok sa naturang sasakyan.

Sa loob nito, nilimas ng mga suspek ang kanyang pera na nag­kakahalaga ng P6,000 at cell­phone. Masuwerte naman na pinakawalan din ng mga sa­larin ang biktima na pinagban­taan muna na papatayin kapag lumikha ng gulo at humingi ng saklolo. Mabilis na tumakas ang mga suspek. (Danilo Garcia)

BRGY

DANILO GARCIA

DENNIS BUSTAMANTE

DITO

HOLY SPIRIT

MABILIS

QUEZON CITY POLICE DIS

SHY

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with