^

Metro

Unioil nagbagsak presyo sa produktong petrolyo

- Edwin Balasa, Angie dela Cruz -

Matapos na magpahayag ang ibang kompanya ng langis ng P1 rollback sa kada litro  sa presyo ng diesel at P2 kada litro naman sa gaso­line ay muling sinorpresa ng independent player na Unioil ang consumers matapos na magrollback ito ng P4 kada litro sa presyo ng kanilang tindang diesel at P6 naman sa produktong gasolina.

Ayon kay Unioil General Manager Chito Medina Cue, ang panibagong rollback ng kanilang kompanya sa presyo ng petrolyo ay sinimulan da­kong alas-2 ng hapon kahapon.

Paliwanag nito na nagde­sisyon ang kompanya ng malakihang rollback dahil sa malaking ibinaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan na ayon sa kanila ay nasa pagitan na lang ng $47 hanggang $49 kada bariles.

Dagdag pa ni Cue na nag­desisyon ang kanilang kom­panya na isang malakihang roll­back na naman ang ka­nilang gawin upang makaha­tak sila ng mas maraming kos­tumer dahil sa mas mababa ang presyo ng kanilang pro­dukto ng hanggang P2 kada litro. Dahil dito, umaabot na lang ang presyo ng tindang diesel ng Unioil sa P34 hang­gang P35 kada litro habang ang gasoline nilang tinda ay naglalaro na lang sa P39 hanggang 38 kada litro.

Kung patuloy pa sa pag­baba ang presyo ng produk­tong petrolyo sa mga susunod na linggo pahabol pa ni Cue na asahan pa na magkaka­roon muli ng panibagong roll­back ang kanilang kompanya hang­gang sa matapos ang Pasko.

AYON

DAGDAG

DAHIL

KADA

LITRO

MATAPOS

PRESYO

SHY

UNIOIL

UNIOIL GENERAL MANAGER CHITO MEDINA CUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with