Nagnakaw ng bitamina

Isang magkumpare na sina Rogelio Mendoza, 35, at Reynaldo Malubay, 31, ng Pandacan, Manila ang nada­kip makaraang magnakaw ng mga bitamina sa isang botika sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dakong ala-1:20 ng hapon unang pumasok ang magkumpare sa Mercury Drug Store sa J. P. Rizal St., Maypajo, Caloocan City.

Agad silang kumuha ng isang kahon ng Propan at isang kahon ng Mosegor Vita at isinilid sa kanilang mga pantalon.

Lingid naman sa kaalaman ng mga suspek ay na­pansin sila ng gwardiya ng botika at habang papalabas na ang mga ito ay agad silang kinapkapan ng huli dahilan upang makuha sa kanilang posesyon ang inumit nilang mga gamot. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments