Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Feliciano Bel monte Jr. ang paglulunsad nito ng proyektong “paper-less communication” sa Quezon City Police District sa ika-69 anibersaryo nito bukas.
Sinabi ni Belmonte na, sa pamamagitan ng proyekto, mababawasan ang paggamit ng papel ng pulisya na papalitan ng “WIFI electronic system” at “internet connection” sa QCPD Headquar ters sa Camp Karingal at sa 11 istasyon nito sa lungsod.
Ipinaliwanag naman ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na ang mga spot reports, office memoranda at iba pang dokumento na datirating ipinapadala sa pamamagi- tan ng “facsimile/fax machine” ay maipapadala na lamang ngayon sa mga istasyon sa pamamagitan ng kanilang opisyal na website na mas mabilis na paraan sa ko munikasyon. Sa pamamagitan nito, ma papalakas ang kapabilidad ng QCPD.
Sinabi ni QCPD Information and Technology officer Sr. Insp. Regina Fider na tuturuan ng mga saligang kaalaman ang mga pulis tulad ng simpleng “enco-ding, scanning, printing” at pagpapadala ng mga dokumento sa pamamagitan ng internet mula sa Station Tactical Operating Center patungo sa District Tactical Operation Center.
Sinabi ng alkalde na panahon nang mamulat sa makabagong teknolohiya ang pulisya para mapabi- lis ang serbisyo nito sa taumbayan at mapalakas ang pagsugpo sa mga krimen. (Danilo Garcia)