^

Metro

Buntis na Salisi nasakote

-

Nadakip at nakulong   ang isang buntis na miyem­bro ng Salisi Gang maka­raang bikti­mahin ng una at tatlo pang kasamahan nito ang isang negosyante ka­hapon ng uma­ga sa Mala-bon City.

Kinilala ang suspek na    si Marian Causin, 24, ng Padre Rada, Kagitingan St., Tondo, Manila. Pinaghaha­nap pa ang dalawang hindi pa nakikilalang mga babae at isang pang lalaki na ka­samahan ng una.

Hindi nabawi ang hala-gang P35,000 cash at N-70 cellphone ng biktimang si Nora Catina, negosyante     ng Hulong Duhat Market, Hulong Duhat, Malabon City.

Batay sa isinagawang   im­bestigasyon ni PO3 Robert Miclat, dakong alas-8:00 ng umaga, unang pumunta ang mga suspek sa pwesto ng biktima at bumili ng itlog.

Dito inumpisahang lansi-hin ng mga suspek ang bikti-ma kung saan isa sa mga ito ang kumuha ng pera at cell­phone ng nasabing ginang na nakita naman ng huli.

Matapos nito ay agad na mabilis na nagsitakas ang mga suspek ngunit nakahi-ngi naman ng tulong ang biktima na naging dahilan upang ma­aresto si Causin. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

HULONG DUHAT

HULONG DUHAT MARKET

KAGITINGAN ST.

MALABON CITY

MARIAN CAUSIN

NORA CATINA

PADRE RADA

ROBERT MICLAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with