^

Metro

2 holdaper todas sa barilan

-

Dalawang holdaper ang napatay samantalang isang guwardiya at tatlong sibilyan ang nasugatan nang magka­barilan ang mga masasa­mang-loob at ang isang pulis habang hinoholdap ang isang armored van ng Banco de Oro sa Na­votas kahapon ng ma­daling-araw.

Agad na nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa kata­ -wan ang dalawa sa mga holdaper na ang isa ay naki­la­lang si James Uy, 18, ng Jus­ticia St., Marulas, Valenzuela City. Ang isa pang namatay na kasama nito ay may     tattoo na “RMG” sa kanang kamay at “GRB” naman sa kaliwang kamay. Nakatakas ang mga kasamahan ng mga ito na aabot sa 20 ka­lalakihan na pawang arma-do ng mata­as na kalibre ng baril at naka­suot ng brown camouflage.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng baril ang isang guwardiya ng banko na si Russel Cagunot.

Nasugatan din sa barilan si Gloria Collante, 41, fish ven­dor ng Rosario, Cavite at da­ lawang hindi pa nakikila­lang lalaki.

Dakong ala-1:30 ng mada­ling-araw nang unang pasu­kin ng mga suspek sakay ng dalawang Revo, isang Bighorn at isa pang sasakyan na hindi na nakuha ang mga pla­ka ang main gate ng PNOC Compound sa C-3, Navotas Fish Port ng lungsod at igina­pos sa pamamagitan ng mas­king tape ang gwardiyang  si Elpidio Mitra.

Agad na tumuloy ang mga suspek sa Frabelle Fishing Corporation sa nasabing lugar at doon nagsitambay kung saan alas-3:30 ng uma­ga ay dumating ang armored van ng Banco De Oro na sina­sakyan ni Cagunot.

Nang makakuha ng pera mula sa Frabelle ang armored van ay naglabasan sa mga sasakyan ang mga suspek at agad na lumapit sabay tutok sa driver ng van.

Nagawang makipagba­ rilan ni Cagunot na tinulu­-ngan naman ni PO1 Leonard Le­panto ng PACER, Camp Crame na naroon sa lugar    nang maganap ang insidente.

Matapos ang ilang minu­ tong putukan ay nakita na la­mang na duguang nakabulag­ta ang dalawang suspek, su­ gatan naman si Cagunot ha­bang tinamaan naman ng ligaw na bala si Collante at dalawa pang biktima.

Agad na tumakas ang mga iba pang suspek tangay ang P211,892 halaga ng pera na nakuha ng mga ito mula sa armored van habang di­nala naman ang mga suga­tan sa TMC. (Rose Tamayo-Tesoro)

BANCO DE ORO

CAGUNOT

CAMP CRAME

ELPIDIO MITRA

FRABELLE FISHING CORPORATION

GLORIA COLLANTE

JAMES UY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with