^

Metro

Pekeng Prada bags nasamsam ng NBI

-

Nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P200,000 halaga ng mga pekeng Prada handbags, wallets, at pouches sa isinagawang pagsalakay sa ilang stall sa Divisoria sa Manila.  

Ayon kay NBI Director Atty. Nestor M. Mantaring, nag-ugat ang pagsalakay sa reklamo ng Prada sa pamamagitan ng American System International Inc., (ASSI) dahil sa talamak umano ang pagbebenta ng mga pekeng handbags, wallets at pouches na may trade name na *Prada*

Kaagad naman nakumpirma ang reklamo ma­tapos na magsagawa ng serye ng surveillance kaya’t mabilis na nagsagawa nang pagsalakay ang NBI sa bisa ng search warrants na ipinalabas ni Judge Antonio M. Eugenio Jr. ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga awtoridad ang 714 piraso ng assorted counterfeit products na may tatak na Prada at nagkakahalaga ng halos P200,000.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 168 o unfair competition in relation sa Section 170 ng RA 8293 (intellectual property code of the Philippines) ang mga may-ari ng tindahan ng nakum­piskahan ng mga pekeng produkto. (Gemma Amargo-Garcia)

AMERICAN SYSTEM INTERNATIONAL INC

DIRECTOR ATTY

EUGENIO JR.

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDGE ANTONIO M

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR M

PRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with