^

Metro

Pedicab driver kinatay ng 2 sekyu

-

Dahil sa selos sa isang guest relation officer (GRO), pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng dalawang security guard ang isang pedicab driver habang natutulog ito sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si   Antonieto Infante, 36, ng Sandico corner Mabuhay Sts.,Tondo ng nasabing lungsod. Kaagad namang naaresto sa isinagawang follow-up operations ang mga suspek na sina Johnny Sevillano, 23, at Janelito Arreza, 25.

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-11:35 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima habang mahimbing itong natutulog. Bago maganap ang insidente nag-iinuman umano ang biktima kasama pa ang mga suspek at ilang kaibigan sa loob ng Julies Beer House sa Pier 8 North Harbor, Tondo nang maisipan nilang mag-table ng isang GRO na nakilalang si Geline.

Isinayaw umano ng biktima si Geline dahilan upang magselos si Arreza kaya kinompronta nito ang una na humantong sa mainitang pagtatalo subalit naawat sila ng kanilang mga kaibigan. Upang hindi na lumala ang awayan ng dalawa ay umuwi na lamang ang biktima at natulog subalit sinundan siya ng mga suspek at pinasok ang bahay nito doon pinagsa­saksak. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ANTONIETO INFANTE

ARREZA

GELINE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JANELITO ARREZA

JOHNNY SEVILLANO

JULIES BEER HOUSE

MABUHAY STS

NORTH HARBOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with