^

Metro

Chinese big-time drug trafficker timbog

- Joy Cantos -

Umiskor ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ma­tapos masakote ang isang pinaghihinala­ang Chinese big time drug trafficker sa isina­gawang buy-bust operations sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ni NCRPO chief, Director Leo­poldo Bataoil ang na­sakoteng suspect na si Zhi Min Ong, 41, sales agent at naninirahan sa #608 Regina St., Juan Luna, Binondo, Manila .

Nabatid na nasa­kote ang suspect sa isinagawang buy-bust operations sa harapan ng Francisco Balagtas Elementary School na matatagpuan sa kaha­baan ng Alvarez ma­lapit sa Severino Reyes St., Sta. Cruz, Manila pasado alas-3 ng hapon.

Bago ito, naka­tang­­gap ng impormas­yon ang NCRPO operatives hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng suspect, partikular na ang shabu sa Sta. Cruz at iba pang ba­hagi ng Metro Manila.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos dakpin ng mga awtori­dad sa aktong iniaabot sa poseur buyer ng NCRPO ang ibine­benta nitong shabu.

Nasamsam mula kay Ong ang isang Chinese envelop na may lamang trans­parent ice bag na siyang pinaglagyan ng 50 gramo ng shabu. Gayundin ang isa pang kulay berdeng ‘body shop’ bag na may laman namang isang kulay pula at isang kulay rosas na kahon ng sigarilyo kung saan ay nakasilid sa loob nito ang 100 gramo ng shabu , habang ang isa pa ay may laman ­50 pang gramo ng shabu.

Nakuha rin mula sa suspect ang 4,000.00 cash na hinihinalang pinagbentahan nito sa droga at isang kulay abong Toyota Camry na may plakang XEH 510. Hindi na naka­pa­lag ang nasabing suspect matapos posasan ng arresting team.

CRUZ

DIRECTOR LEO

FRANCISCO BALAGTAS ELEMENTARY SCHOOL

JUAN LUNA

METRO MANILA

MIN ONG

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

REGINA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with