^

Metro

Komadrona nagbigti sa hotel

-

Nagpakamatay sa pa­ma­magitan nang pagbi­bigti ang isang 55-anyos na komadrona sa loob ng inuupahan nitong silid ng isang hotel kahapon ng umaga sa Pasay City.

Patay na nang matag­puan ni Melvin Quinto, 18, room boy ng Rotonda Hotel na nasa kanto ng Edsa at Taft Avenue sa na­banggit na lungsod ang biktimang si Evangeline Sol Cruz, ng Gold St., R. Medina, Brgy. San Dio­nisio, Parañaque. Isang nylon cord na ipi­nulupot sa kanyang leeg ang ginamit nito sa pagpa­pakamatay dakong alas-8:30 ng umaga sa Rm. 412 ng naturang hotel.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mag-isang nag-check-in ang biktima da­kong alas-7:30 kamaka­lawa ng gabi para sa 10-oras na pananatili sa loob ng inupahang silid.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang bumaba umano ang biktima upang ipaalam na i-extend pa niya ng tatlong oras na pag-check-in at muli itong umakyat makaraang mag­bayad para sa karag­dagang oras.

Nang matapos na ang oras ng pananatili ng bik­tima, kinatok na siya ni Quinto sa inupahang silid subalit hindi na nagbukas ng pinto kaya’t gumamit na ng duplicate key ang room­boy upang mabuksan ang silid at dito na natambad ang nakabiting katawan ng biktima sa loob ng banyo.

Isang liham naman ng pamamaalam ang nakita sa gilid ng kama sa loob ng silid kung saan humihingi ng kapatawaran ang bik­tima sa kanyang ginawa   at ipinagbilin pa na huwag pababayaan sina Ricky, Rolly at Che na hindi naman mabatid ng pulisya kung ano ang relasyon ng mga ito sa nasawi.

Pansamantalang ini­lagak naman ng pulisya sa isang punerarya sa Li­ber­tad, Pasay City ang bang­kay ng komandrona upang isailalim muna sa awtop­siya.  (Lordeth Bonilla)  

vuukle comment

EVANGELINE SOL CRUZ

GOLD ST.

ISANG

LORDETH BONILLA

MELVIN QUINTO

PASAY CITY

ROTONDA HOTEL

SAN DIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with