^

Metro

Onsehan sa droga: Vendor itinumba

-

Pinaniniwalaang onse­han sa droga ang nasa likod ng pamamaslang sa isang 44-anyos na vendor ng dalawang umano’y mga ‘tulak’ sa iligal na droga, sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Boni­facio Hospital ang bikti­mang si Kathy Apura, da­laga, ng   Magsaysay, Bgy. 120, Zone 9, Tondo, dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg.

Wanted naman sa pu­lisya ang mga suspect na ki­ni­lala lamang sa mga alyas na “Mac-mac”, miyem­bro ng Batang City Jail at “Topie”, tinatayang kapwa nasa 20-taong gulang.

Nabatid sa report na dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang pama­maril sa harapan mismo ng bahay ng biktima

Sinabi ni Marilou Nieves, live-in partner ni Apura, nag­­ tungo sa kanila ang dalawang suspect at sa si­mula ay mahinahon umano ang naging pag-uusap ng tatlo hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa galit umano ni Mac-mac ay sinabunutan ang biktma at kinaladkad pa­labas ng bahay at si Topie umano ang bumunot ng baril at ipinutok sa biktima na tumama sa leeg. Nang humandusay ang biktima ay kaswal lamang na luma­kad papalayo ang dala­wang suspect. Mariing iti­nanggi ni Nieves na guma­gamit o nagbebenta sila ng iligal na droga bagamat sa nakalap na impormasyon sa mga kapitbahay, narinig nila na ang pinagtatalunan ay hing­gil sa iligal na droga. (Ludy Bermudo)

APURA

BATANG CITY JAIL

BGY

GAT ANDRES BONI

KATHY APURA

LUDY BERMUDO

MAGSAYSAY

MARIING

MARILOU NIEVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with