Pagtungo ng task force RCBC, over killed - CHR
Kinondena ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Leila de Lima ang anya’y over killed na ginawang pagtungo ng mga tauhan ng binuong Task Force RCBC sa kanyang tanggapan kahapon
Ayon kay de Lima, 20 hanggang 30 miyembro ng Task Force RCBC ang nagtungo sa CHR upang puwersahang kunin ang hawak nilang isang Jake Javier, anak ng napatay sa RCBC incident na si barangay Chairman Vivensio Javier sa Pagaspas Tanauan, Batangas.
Sinasabing nagkaroon pa umano ng tensyon sa kanilang tanggapan dahil sa animo’y lulusob sa kampo ng rebeldeng Abu Sayyaf ang naturang grupo dahil todo armas ang mga ito.
Bukod dito, isang nakasibilyang miyembro ng Task Force RCBC ang dinis-armahan ng mga guwardiya ng CHR nang pumuslit at aktong papasok na ito sa opisina ni de Lima pero hindi na ito pinangalanan para na rin sa seguridad ng mga taga-CHR. Gayunman, napawi lamang ang pangamba ng mga tauhan ng ahensiya nang makaharap ng mga tauhan ng Task Force RCBC si CHR Chairman Leila de Lima at mapaliwanagan
Kahapon, alas -8 ng umaga ay nagpasama si de Lima sa media para iturn-over ng CHR kay PNP chief Verzosa sa Kampo Krame si Jake Javier. (Angie dela Cruz at Joy Cantos)
- Latest
- Trending