Money changer ng Euro generals, 'guerilla'

Walang business permit ang money changer na umano’y pinagpalitan ng Euros ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa ma-kontrobersiyal na Moscow trip.

Ito  ang nabatid kay Nelson Alivio, hepe ng Manila City Hall-Business Permit and Licensing Division matapos na lumitaw na walang record sa City Hall ang operasyon ng F & S money changer na pagmamay-ari ni Feliza Sakaluran sa #475 P. Faura St., Maynila.  Ayon kay Alivio, taong 2006 pa huling nakarehistro ang business na F & S. 

Lumitaw lamang ang F & S money changer matapos na mabunyag na rito nagpapalit ng 105,000 Euros ang mga pulis na patungong Moscow. 

Sinabi ni Alivio na ‘guerilla’ style ang ginagawa ng money changer na tulad ng F & S money changer dahil hindi na nila ito nakita sa ka­­ha­baan ng P. Faura nang magsagawa ng saturation drive ang City Hall kamakailan.

Dahil dito, posibleng i-blacklisted na rin ng City Hall ang F & S money changer matapos ang umano’y iligal nitong transaksiyon sa PNP. (Doris France)

Show comments