^

Metro

Bataoil bagong NCRPO chief

-

Si Director Leopoldo Ba­taoil na ang uupo simula nga­ yon bilang bagong NCRPO chief.

Ang pinakabagong ­revamp sa PNP na kinabibilangan ng anim na police generals ay ipina­tupad matapos na ang No. 2 man sa command sa kata­uhan ni De­puty Director Gen. Emmanuel Carta nagpasyang sumailalim na sa non-duty statues bilang paghahanda sa kanyang retire­ment sa dara­ting na Enero 1 ng susunod na taon.

Si Carta ay isa sa walong police generals na dumalo sa 77th Interpol General Assem­bly sa Russia na naging kon­trobersiyal dahil sa nasabat na 105,000 euros kay ret. comp­troller Director Eliseo dela Paz.

Posible umanong pumalit kay Carta ay si Deputy Director General Ismael Rafanan, kasa­lu­kuyang PNP chief for opera­tions at No. 3 sa command. Maaari namang umakyat sa posisyon ni Rafanan si Director Geary Barias na kasalukuyang PNP chief directorial staff.

Sa posisyon naman na iiwan ni Bataoil bilang director for police community relation at ibibigay kay Director German Doria na kasalukuyang Director for Human Resource and Doc­trine Development na ookupa­han naman ni Chief Superin­tendent Sukarno Ikbala.

Sinabi naman ni Carta na ang desisyon niyang sa non-duty status ay walang kinala­man sa kontrobersiya sa euro generals. (Cecille Suerte Felipe)

CARTA

CECILLE SUERTE FELIPE

CHIEF SUPERIN

DEPUTY DIRECTOR GENERAL ISMAEL RAFANAN

DIRECTOR

DIRECTOR ELISEO

DIRECTOR GEARY BARIAS

DIRECTOR GEN

DIRECTOR GERMAN DORIA

EMMANUEL CARTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with