La Salle pupil hulog sa condo, patay

Isang grade school stu­dent sa La Salle Greenhills ang iniulat na nasawi matapos na mahulog buhat sa 14th floor ng tinitirahan nitong con­dominium sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Justine Figueroa, 13, grade 7 pupil sa La Salle ay na­diskubre sa garden area ng 4th level ng Lafayette-3 Build­ing sa East Avenue, Brgy. Bagum­bayan.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima ng sekyu na si Rolly Rosales dakong alas-5 ng madaling-araw.

Halos lasog na ang mukha at katawan ng biktima nang matagpuan.

Ayon sa pulisya, wala silang nakitang foul play sa insidente at ito ay isang aksidente.

Sa isinagawang ocular investigation sa kuwarto ng biktima, isa sa glass windows dito ang nakabukas at doon pinaniniwalaang nahulog ang biktima.

Bago ang aksidente, Lunes ng gabi ay humiling pa ng ice cream si Justine sa kanilang kasambahay.

Show comments