^

Metro

Criminology student timbog sa snatching

-

Isang graduating stu­dent ng kursong crimino­logy ang dinakip sa ka­song snatching habang gamit ang motorsiklo na may sticker ng ‘MPD’, sa Er­mita, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Nakilala ang suspect na si Raymond Antonio, part-time waiter, 23, 4th year student sa Philip­pine College of Crimi­nology (PCCr).

Pormal na nagharap ng reklamo ang bikti­mang si Jose Fernando, 51, laban sa nadakip na suspect.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ­ang insidente sa panulu­kan ng Taft Ave., at Padre Faura St., Ermita. Sinabi ni Fer­nando na habang nag-aabang siya ng sasakyan ay nilapitan siya ng sus­pect na sakay ng kulay itim na motor­siklo na may MPD sticker (XRM OT4922) at hab­lutin ang kanyang suot na Italian gold necklace na nagka­ka­halaga ng P5,000.

Napatumba ang bik­tima dahil sa pagkaka­hablot ng kanyang ku­wintas. Sakto namang napadaan si PO3 Fer­nando Onli, ng MPD-GAS at hinabol ang sus­pect hanggang sa ma­abutan at maaresto ito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

COLLEGE OF CRIMI

ERMITA

ISANG

JOSE FERNANDO

LUDY BERMUDO

PADRE FAURA ST.

RAYMOND ANTONIO

SHY

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with