^

Metro

Parak na nakapatay sa apo ni Lomibao, kinasuhan

-

Sinampahan na ng kasong homicide sa Quezon City Prose­cutor’s Office ang pulis na nakapatay sa apo ni dating PNP Chief ret. Di­rector General Arturo Lomibao kamakalawa ng madaling araw.

Nakakulong ngayon sa QCPD-Criminal In­vesti­gation and Detection Unit deten­tion cell ang suspek na si PO3 Me­lenio Donato, nakatalaga sa QCPD District-Station 7 (Cubao) dahil sa pag­kakapatay kay Allan Lomibao Sar­miento, 24.

Sinampahan rin ng dagdag na dalawang kasong frustrated homi­cide si Donato nina Victor Rodillas, 29 at Maryan Sanchez na kapwa tina­maan rin ng bala sa ko­mosyon. Sinabi ni Homi­cide Section chief, Supt. Marcelino Pedrozo na nagsampa rin naman si Donato ng kasong alarm and scandal, direct assault at obstruction in the apprehension of criminal offender kina Rodillas at Maryan San­chez. Sa salaysay ni Donato, rumesponde siya sa paghingi ng tulong ng Bahay Grill and KTV bar sa may N. Do­mingo St., Brgy. Ka­unlaran dahil sa pang­gugulo umano ng grupo nina Sarmiento.

Nabatid na may nakabanggang ibang grupo sina Sar­miento sanhi upang magwala ito. Poposasan umano ni Donato si Sar­miento nang pumalag ito at maki­pagbuno sa kan­yang baril na aksidenteng sunud-sunod na pumu­tok. Dito tinamaan si Sarmiento at dalawang biktima. Sinabi naman nina Rodillas at Sanchez na naposasan na umano ni Donato si Sarmiento na naghamon ng sun­tukan. Dito tinanggalan ng posas ni Donato ang biktima at nakipag­sun­tukan. Nang naagrab­yado na, nagbunot na umano ng baril si Donato at sunud-sunod na na­maril. (Danilo Garcia)

ALLAN LOMIBAO SAR

BAHAY GRILL

CRIMINAL IN

DANILO GARCIA

DETECTION UNIT

DITO

DONATO

GENERAL ARTURO LOMIBAO

MARCELINO PEDROZO

SARMIENTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with