^

Metro

2 bag ng 'bomba' natagpuan

-

Lumikha ng sindak at matinding tensiyon na nagdulot nang pagkakabuhul-buhol ng trapiko ang natagpuang dalawang bag na naglalaman ng “incendiary bombs”, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Bunga nito, halos isang oras na isinara sa trapiko ang kahabaan ng Andrews Avenue at Aurora Blvd. upang bigyang-daan ang isinagawang bomb disposal ng mga rumespondeng tauhan ng Special Weapons and Tactics-Bomb Disposal Unit sa natagpuang bag na may nakausling asul at green na nylon cord na naka­lagay sa ibabaw ng center island sa naturang lugar.

Ayon kay PO3 Nestor Rubel, may hawak ng kaso, dakong alas-5 ng madaling-araw nang unang maka-tanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa dalawang bag malapit sa KIA Motors Showroom sa naturang lugar.

Dahil malaki ang panganib na sumabog ang laman ng bag na naglalaman ng limang galon ng gaso­lina na may white substance, at isang 250 ml plastic bottle na naglalaman rin ng isa pang uri ng substance, agad na nag-desisyon si SPO1 Renato Llano ng SWAT na pasabugin ang laman nito upang hindi na makapinsala pa sa mga kalapit na gusali at mga pasaherong nagdaraan sa naturang lugar.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng imbesti­gasyon ang awtoridad upang tukuyin kung sino ang naglagay ng naturang bag at upang mabatid na rin ang motibo nito o intensiyon ng mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANDREWS AVENUE

AURORA BLVD

AYON

BUNGA

MOTORS SHOWROOM

NESTOR RUBEL

PASAY CITY

RENATO LLANO

ROSE TAMAYO-TESORO

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS-BOMB DISPOSAL UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with