Poster ni Bayani binaboy
Nakalusot muli sa mga awtoridad ang mga mili tanteng miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap matapos pinturahan ang nagkalat na “tarpaulin posters” ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando partikular sa Quezon City.
Nakunan pa ng video ng isang television network kahapon ng madaling-araw ang pagpintura ng itim sa naglalakihang posters ni Fernando na nananawagan umano sa disiplina sa Metro Manila at maging ang bago nitong poster na bumabati dito sa pagkakapanalo sa isang “singing contest” sa telebisyon.
Partikular na tumutok ang grupo sa Commonwealth Avenue, EDSA, at Kamuning sa Quezon City. Pininturahan ng mga militante ng katagang “Berdugo” ang mukha ni Fernando.
Inirereklamo ng mga militante ang marahas na paraan ng “sidewalk clearing operations” sa mga vendors ng MMDA kung saan marami sa mga mahihirap na tindero ang nasasaktan at lalong nawawalan ng pag-asa matapos na tangayin ang kanilang mga paninda at pagnakawan pa umano sila. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending