^

Metro

Bangkay ng nalunod na bata natagpuan

-

Matapos ang apat na araw na paghahanap, na­tagpuan na ng mga residente kahapon ng madaling-araw ang isa pa sa dalawang batang unang nanga­wala makaraang maligo ang mga ito sa isang creek ng Brgy. La Huerta, Parañaque City. Nabubulok na ang bangkay ng biktimang si John Jake Mata, 7-taong gulang, nang matagpuan itong lulutang-lutang sa ilalim ng tulay ng nasabing lugar dakong alas-3 ng madaling-araw.

Batay sa ulat, ang biktima kasama ang kaibigang 12-anyos na si Mark Anthony Asilla ay unang nagka­tuwaang maligo sa creek ng Brgy. Moonwalk habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan. Dahil sa malakas na ihip ng hangin, nawalan ng balanse ang biktima na agad namang nahulog sa creek at tinangay palayo ng alon.

Tinangka naman ni Asilla na sagipin ang nalulunod na kaibigan pero maging ito man ay nadulas din at nahulog din sa creek. Unang natagpuan kamakalawa ang bangkay ni Asilla sa ilalim din ng nasabing tulay. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ASILLA

BATAY

BRGY

DAHIL

JOHN JAKE MATA

LA HUERTA

MARK ANTHONY ASILLA

MATAPOS

NABUBULOK

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with