Misis niratrat

Isang negosyanteng ginang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi naki­kila­lang kalalakihan at na­sawi rin ang isang dating seaman matapos itong tamaan ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Kap­wa patay na nang duma­ting sa Alabang Medical Clinic ang mga biktimang sina Marivic de Mesa, biyuda, ng De Mesa Cmpd., Ilaya, Ala­bang na nag­tamo ng tat­long tama ng bala sa dib­dib at isa sa bibig at Jerry Igot, 36, ng #46 Wawa St., Brgy. Alabang na na­hagip ng bala sa kanang bahagi ng kilikili. (Lor­ deth Bonilla)

Show comments