OFW ninakawan ng Chinese prostitute

Isang babaeng Chi­nese national na nagbe­benta ng panandaliang aliw ang inaresto ma­tapos pagnakawan ng cellphone na nagkaka­halaga ng P30,000 ang kanyang kustomer na isa namang overseas Fili­pino worker kahapon sa Pasay City.

Ang suspek ay itinago sa pangalang Chibay, may sapat na gulang, na­nunuluyan sa #479 Cu­yegkeng St., Barangay 1, ng nabanggit na lungsod.

Kinilala naman ang complainant na si William Aderlo, 37, ng #9506 Halcon St., Calamba, La Loma, Quezon City.

Batay sa imbesti­gas­yon ni SPO1 Allan Valdez ng Station Investi­gation & Detective Management Section ng Pasay City Police, nakipagkilala ang 39-anyos na suspek kay Aderlo nang magkita sila sa F.B. Harrison dakong alas-5 ng madaling-araw ng Miyerkules.

Inalok umano ng Chi­nese prostitute si Aderlo ng panandaliang aliw kapalit ng halagang P500 na kaagad namang pina­tulan ng biktima nang sabi­hin ng babae na hindi na sila magbabayad sa motel dahil sa mismong inuupahan niyang silid sila magtatalik.

Ginawa umano ni Chibay ang lahat ng kan­yang nalalaman sa pag­papaligaya kung saan halos tumirik ang mata ng biktima sa labis na kali­ga­­yahan kaya hindi naman siya nakatanggi nang hiramin muna ng babae ang kanyang cell­phone.

Inakala umano ng bik­tima na magte-text lang ang suspect kaya tiwala niyang pinahiram ang cellphone hanggang sa makatulog na siya sa labis na kapaguran.

Nang magising si Aderlo, wala na ang Chi­nese prostitute. Nadakip kinalaunan ang suspek sa inuupahan nitong silid. (Lordeth Bonilla)

Show comments