^

Metro

Pari pinag-almusal ng uod

- Doris Franche-Borja -

Nagulantang ang mga pari sa San Carlos Pastoral For­ma­tion Complex sa Edsa Guadalupe, Makati City ma­tapos na makitang inuuod na ang isang ham na ihahain sa kanilang almusal kahapon ng umaga.

Ayon kay Crispina Pedra­goza, refectorian o tagasilbi ng pagkain sa mga pari, laking gulat nila nang makitang inu­uod na ang isang lata ng SPAM lite meatloaf na gawa ng Formel Food Corp. kung saan ang local distributor nito sa Pilipinas ay ang Pure­foods Corporation.

Sinabi ni Pedragoza na bumili siya ng walong tig-340 grams ng SPAM lite meatloaf sa PUREGOLD Price Club­house Inc. sa 312 Shaw Blvd., Pleasant Hill, Mandaluyong City na kanya sanang isisilbi sa agahan ng mga pari sa seminaryo.

Aniya, napatili siya nang matapos buksan ang isang lata ng SPAM lite ay nakitang gumagalaw ang mga uod.

Nabatid na ang nasabing produkto ay may expiration date na August 2011.

Agad na ipinagbigay-alam ni Pedragoza ang kanyang na­tuklasan sa administrador ng bahay-pari na agad namang ipinadala nito sa Radio Veritas ang lata ng SPAM lite na mayroong uod “for safe keeping”.

Dinala naman sa Bureau of Food and Drugs ang na­sabing ham para magawan nito ng aksyon subalit ipinasa ni Joyce Serunay, division chief ng BFAD, ang respon­sibilidad sa National Meat Inspection Service sa ilalim ng Department of Agriculture sa pamamagitan ni Atty. Jane Bacayo.

Kasabay nito, umaasa naman si Fr. Anton Pascual, exe­cutive director ng Caritas Manila, at isa sa mga nakatira sa Bahay Pari na maaksiyu­ nan agad ang nasabing insi­dente dahil kalusugan ng mga ma­ ma­mayan ang nakataya dito.

Nais ni Fr. Pascual na gumawa ng “public apology” ang manufacturer at distri­butor ng SPAM lite products at ipaliwanag kung paanong nagkaroon ng uod sa kanilang produkto.

vuukle comment

ANTON PASCUAL

BAHAY PARI

CARITAS MANILA

CRISPINA PEDRA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EDSA GUADALUPE

FORMEL FOOD CORP

JANE BACAYO

JOYCE SERUNAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with