^

Metro

Promo girl patay sa 3 holdaper

-

Patay ang isang 27-anyos na promo girl matapos na barilin ng tatlong kalalalakihan na pawang mga holdaper na tumangay sa P40,000 payroll money na bitibit ng biktima kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Dead on arrival sa Rizal Memorial Medical Center ang biktimang nakilalang si Rhea Alcala, ng San Pablo Street, Barangay Kapitolyo ng na­banggit na lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng hapon sa may Brgy. Oranbo ng nasabing lungsod.

Nabatid na galing ang biktima kasama ang superior nito sa isang bangko na kung saan nag-withdraw ng P642,000 payroll money ng biglang harangin ng mga suspek.

Inagaw ng mga suspek ang bag na bitbit ni Alcala na naglalaman ng P40,000 at pagkaraan ay binaril ito ng malapitan sa kaliwang kili-kili na tumagos sa kanan bahagi ng katawan nito.

Sinabi pa ng pulisya, hindi na nakuha ng mga suspek ang P600,000 na halaga ng pera nakabukod sa isa pang bag. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALCALA

BARANGAY KAPITOLYO

BRGY

EDWIN BALASA

INAGAW

NABATID

PASIG CITY

RHEA ALCALA

RIZAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

SAN PABLO STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with