^

Metro

Jeepney driver, todas sa Russian roulette

-

Isang 27-anyos na binata ang natigok ma­karaang magtamo ng bala ng baril sa kanang sentido bunga ng paglalaro ng Russian roulette, sa Sampaloc, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Namatay noon din ang biktimang si Joseph Romero, jeepney driver, residente ng   Legarda St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng nasawi.

Nag-iinuman umano ang biktima at kapit­bahay nito sa loob ng bahay ng una nang hugutin ng biktima ang kanyang kalibre .38 baril sa beywang at saka kinargahan ng isang bala bago inikot ang trigger.

Nagulat na lamang at natulala ang kainu­man nang itutok ng biktima sa sentido ang baril at biglang kalabitin na agad namang pumutok sa ulo nito.

Patuloy na iniimbestigahan kung nagka­roon ng foul play sa kaso. (Ludy Bermudo)

ISANG

JOSEPH ROMERO

LEGARDA ST.

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NAGULAT

NAMATAY

PATULOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with