Dagdag P10 sa taxi, aalisin na ng LTFRB
Plano nang tanggalin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag P10 sa pasahe sa kabuuang halaga ng bagsak ng metro sa mga taxi nationwide.
Sa isang press conference, sinabi ni LTFRB Chairman Thompson Lantion, payag na siyang alisin na ang naturang add on additional fare sa taxi dahil nagsibabaan na ang pasahe sa mga pampasa herong jeep at bus nationwide bunsod na rin ng pagbagsak ng presyo ng produktong petrolyo nitong nakalipas na linggo.
Gayunman, sinabi ni Lantion na isasapinal ng LTFRB board ang gagawing desisyon hinggil dito upang pormal itong mai-anunsiyo sa publiko para naman sa kaalaman ng mga taxi operators at para sa kapakanan ng taxi riders.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Leonoro Naval, Pangulo ng Allianced of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM) na kung ano ang pasya ng LTFRB ay kanilang susundin.
- Latest
- Trending