Mag-asawa naholdap sa red traffic light

Natangay ng apat na lalaking armado ng patalim ang tinatayang P150,000 halaga ng alahas, cell phone at cash ng isang mag-asawang sakay ng owner-type jeep nang samantalahin ang paghinto sa red traffic light ng sasakyan ng mga biktima sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Carmela Belene, 33, at asawa nitong si Arvin, 28, ng Guagua, Pam­panga.

Dakong alas-4:35 ng madaling-araw nang holdapin sila sa intersection ng President Quirino Ave., at P. Zamora St., Pandacan.

Hindi na nagawang manlaban ng mag-asawa lalo’t ang mister ang nagmamaneho kaya ibinigay na lamang ang P139,000 cash, alahas at cellphone. (Ludy Bermudo)

Show comments