^

Metro

2 dalagita ginahasa ng kambal

-

Isang kambal na binatilyo at isa pa nilang kasabwat ang naaresto ng pulisya makaraang gaha­sain ang dalawang dalagita sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang kambal na sina Jeffrey at Jeremy Aguilar, 18, ng Padrinao St., Karuhatan ng lungsod na ito; at ang pangatlong suspek na si Jim Mark Roy Manli, 17. 

Nakatakas naman ang mga kasamahan nilang sina Jomarie Canlas at Archie Obilio.

 Sa ulat ni Insp. Ester Casanova, hepe ng Womens Children and Protection Desk, ang insi­dente ay nangyari noong Miyerkules ng hating­gabi sa may S. Padrino St., Karuhatan sa lungsod.

Bago nangyari ang insidente, ang dalawang biktimang itinago sa alyas na Ara, 14 anyos, at Mina, 16 anyos, ay hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magpaalam sa kanilang mga magulang na mamasyal lamang.

 Dahil sa hindi pag-uwi ng mga biktima ay nag­pasyang hanapin ang mga ito ng kanilang mga kaanak hanggang sa masalubong nila si Ara at ipinagtapat ang nangyaring pang-aabuso sa kanila kung saan hawak pa ng mga suspek si Mina.

Agad na humingi ng tulong sa himpilan ng Police­ Community Precint 9 ang kaanak ng mga biktima hanggang masagip ang biktima at mada­kip ang tatlo sa mga suspek.

Sinasabing halinhinang ginahasa ng mga suspek ang mga biktima matapos nila itong painu­min ng alak. (Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARCHIE OBILIO

COMMUNITY PRECINT

ESTER CASANOVA

JEREMY AGUILAR

JIM MARK ROY MANLI

JOMARIE CANLAS

KARUHATAN

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with