2 miyembro ng hold-up gang, timbog
Dalawang miyembro ng kilabot na grupong ‘Cagoco Robbery Hold-up Gang’ ang natimbog ng Quezon City Police sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon City.
Nakilala ang mga suspek na sina Edgar Mellama, alyas “Tolikoy”, 33; at Ramil Relos, 22, alyas “Kenny”, at residente ng San Rafael-2 Noveleta Cavite.
Base sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investi gation and Detection Unit (QCPD-CIDU) , ang mga suspek ay natunton ng mga pulis dakong alas-2:45 ng hapon sa may Bagbag Novaliches matapos na ituro ng impormante ang kuta ng mga ito. Nakuha ng mga awtoridad ang isang .38 caliber pistol kay Relos, ha bang isang MK-2 fragmentation grenade ang nakumpiska naman kay Mellama.
Sinasabing ang mga suspek ang siyang nasa likod ng mga holdapan sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan at ang modus operandi ng mga ito ay ang magpakilalang mga alagad ng batas gamit ang mga unipormeng may mga tatak na PNP, AFP, PDEA at NBI.
Iniulat din na may warrant of arrest sa kasong carnapping at robbery hold-up si Relos at murder at illegal possession of firearm naman si Mellama. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending