^

Metro

Mas mabigat na parusa sa mga abusadong drivers, ok sa operators

-

Kinampihan ng isang ma­ laking metro bus operators ang panukalang bigatan ang pa­rusa ng mga abusadong dray­ber ng mga public utility bus (PUB) upang maging ma­ingat ito sa pagmamaneho partikular sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay Integrated Metro Bus Operator Association (IMBOA) President Claire dela Fuente, kadalasang hindi iniisip ng mga drayber ang mga kasong isinasampa sa kanila kapag nakaka­dis­grasya dahil alam nilang kayang kaya silang tubusin ng kanilang mga amo.

“Kailangan magkaroon ng mahigpit ang parusa sa driver. Kadalasan minsan hindi mas­yadong iniintindi ng mga driver kasi sasabihin nila tutubusin sila ng amo nila, yan ang nang­yayari riyan,”

Dagdag pa ni Dela Fuente, nasa mga kinauukulan na   kung ano ang dapat na idag­dag na parusa sa mga abusa­dong drayber partikular na sa mga bus upang matigil na ang malalagim na aksidente sa kahabaan ng EDSA.

“Ang mga mambabatas na ang bahalang magpasa ng mas mabigat na parusa para ma­tauhan ang mga abusa­dong drayber na yan at matigil na ang paghari-harian nila sa EDSA,” saad ni Dela Fuente.

Matatandaang noong na­karaang All Saints’ Day ay isang Fermina Express bus ang bumangga sa isang Toyota Revo sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sakop ng Pampanga na iki­namatay ng lima katao at ikina­sugat ng iba pa. Noong Oktubre 21 naman ay bu­mangga naman ang isang Joanna Jesh bus sa isang sa­sakyan na ikinamatay ng isang doktor sa kahabaan ng EDSA, Santolan, Quezon City.

Samantala, sa kasaluku­yan bukod sa parusang sus­pendido ay restraining sa mga abu­sadong draybers ang ibinigay ng Land Transpor­tation Fran­chising Regulatory Board (LTFRB) kaya ayon kay Dela Fuente panahon na para sa mas mabigat na parusa sa mga ito. (Edwin Balasa at Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALL SAINTS

DELA FUENTE

EDWIN BALASA

FERMINA EXPRESS

INTEGRATED METRO BUS OPERATOR ASSOCIATION

JOANNA JESH

LAND TRANSPOR

NOONG OKTUBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with