3 Customs examiner sinibak dahil sa t-shirts

Sinibak sa pwesto ang tat­long examiner ng Bureau of Cus­toms (BOC) na nakatalaga sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunga ng pang-uumit ng t-shirts sa bagahe ng pasahero.

Kinilala ni Customs Com­mis­sioner Napoleon Morales ang mga sinibak na sina Samuel Saed, Omar Indol at Cecilia Venzon, na kasaluku­yang inilipat sa administration office habang iniimbestigahan pa ang kanilang kaso.

Tiniyak ni Morales na ha­harap sa kaukulang kaso ang tatlo sa oras na lumabas sa im­bes­tigasyong sila ay nagkasala, bagamat nangako rin ito na idadaan sa due process ang lahat.

Nauna rito, inatasan ni Pa­ngulong Gloria Macapagal Arroyo si Morales na paimbes­tigahan ang reklamo ng isang Joseph Koy, isang Fil-Am stand-up comedian na nagmula sa Amerika, na nabiktima ng pag­nanakaw ng umano’y mga tiwa­ling Customs personnel sa NAIA at magsumite ng ulat hing­gil sa imbestigasyon.

Natukoy sa imbestigasyon na si Ondol ang kumuha ng t-shirts sa bagahe ng biktima at ipinasa pa sa mga kasamahan. (Ludy Bermudo)

Show comments