^

Metro

P11 pang tapyas sa presyo ng LPG, ipinatupad

-

Muling nagtapyas ng P1 sa kada kilo ng liquefied petroleum gas ang LPG Marketers Asso­cia­tion (LPGMA) makaraang i-rollback ang presyo ng kanilang autogas sa halagang P1 kada litro noong araw ng Martes.

Ayon kay Arnel Ty, pangulo ng LPGMA, naging epektibo ang pagbabawas nila ng P1 kada kilo ng LPG kamakalawa ng gabi bunga na rin ng patuloy na pagbaba ng contract price nito sa pandaigdigang pa­milihan.

Hindi naman nasiyahan si Energy Secretary Angelo Reyes sa paunti-unting rollback ng mga kompanya sa presyo ng LPG sa paniwalang napakaliit na halaga ang itinatapyas ng mga ito kumpara sa napakala­king halaga na ibinagsak ng con­tract price nito sa world market.

Kahapon ay pinulong ni Reyes ang ilang mga kom­panya na dinaluhan ng Total, LPGMA at Liquid Gas upang ipabatid ang resulta sa ginawa nilang pagtaya sa dapat maging presyo ng bawat tangke ng LPG.

Ayon kay Reyes, 39, por­siyento na ang ibinagsak ng con­tract price ng LPG sa pan­daigdigang pamilihan kaya’t dapat ay umaabot na sa P194 ang ibinawas sa presyo ng mga kompanya sa halip na P44 kada tangke.

Kung umaabot aniya sa P610 ang halaga sa kasaluku­yan ng bawat tangke ng LPG na may 11 kilo ang laman, dapat ay nagkakahalaga na lamang ito sa ngayon ng P476. (Lor­deth Bonilla at Edwin Balasa)

ARNEL TY

AYON

BONILLA

EDWIN BALASA

ENERGY SECRETARY ANGELO REYES

KAHAPON

LIQUID GAS

MARKETERS ASSO

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with