^

Metro

Ex-con na pumatay ng pulis, todas din

- Angie dela Cruz, -

Nabaril at napatay ng Pasay police ang isang ex-convict na pumaslang sa isa nilang betera­nong imbesti­gador nang agawan ng sus­pect ng baril ang escort na pulis kahapon ng madaling- araw sa mismong compound ng Pasay Police head­quarters.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa Pasay City General Hospital ang suspect na si Lito Tagalog, Alyas “Undo”, 31, barker, at nakatira sa Luring St., ng na­banggit na lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib matapos itong mabaril ni Chief Insp. Joey Goforth, deputy chief ng SIDMS.

Ayon sa report, naganap ang insidente dakong alas-3:10 ng madaling-araw sa nabanggit na compound, ha­bang patungo ang mga pulis kasama ang suspect sa lugar na pinagtapunan ng baril ng huli sa pamamaslang kay PO3 Reynaldo “Boyet” Aguba.

Inagaw ng suspect kahit naka­­posas na ito, ang service fire­arm ng kanyang escort na si SPO2 Joel Landicho.

Nagpambuno ang dalawa sa pag-aagawan hanggang sa nagawang maiputok ni Tagalog ang baril ni Landicho kaya’t ipi­nasya na ni Chief Insp. Goforth na barilin na ang suspect.

Napag-alaman na nadakip si Tagalog sa bahay ng kan­yang mga magulang sa De Mesa Resort, Purok IV, Brgy. Dala­hican, Lucena City da­kong alas-12:40 ng madaling-araw maka­ra­ang paslangin nito si Aguba noong Miyer­kules ng gabi.

Tinangka pa umanong tu­ma­kas ni Tagalog nang dat­nan at ares­­­tuhin ito ng mga pulis sa bahay ng kanyang mga ma­gulang.

vuukle comment

AGUBA

CHIEF INSP

DE MESA RESORT

JOEL LANDICHO

JOEY GOFORTH

LITO TAGALOG

LUCENA CITY

LURING ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with