^

Metro

2 pang bus nagbanggaan sa Edsa: 15 sugatan

-

Labinlima katao ang iniulat na nasugatan makaraang bumangga ang isang bus sa kasunod na bus matapos na makipagkarerahan umano sa isa pang bus kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng EDSA sakop ng Man­daluyong City. Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pagka­kakilanlan ng mga sugatang biktima na isinugod sa magka­kahiwalay na pagamutan sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng EDSA south-bound lane harapan ng SM Megamall ng lungsod na ito.

Nabatid na matulin umanong pinapatakbo ni Ber­nardo Saygo, drayber ng JRMS Transport bus ang dalang pampasaherong bus ng mawala ito sa giya at tuluyang sumalpok sa HM Liner bus. Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay sugatan ang 15 sa mga pasahero ng JRMS na agad na isinugod sa ospital ng mga rumispondeng ambulansya.

Sa presinto, sinabi ng mga pasahero ng JRMS bus na nakipagkarera umano ang drayber nito sa isa pang bus at paglagpas ng Ortigas Avenue ay hindi na na­kontrol ng drayber nito ang manibela dahilan upang mabangga ito sa HM bus. Mariin namang itinanggi ng drayber ng JRMS na nakipagkarera siya sa isa pang bus at sinabing mabagal lang umano ang kanyang pag­pa­patakbo at hindi lang niya naiwasang mabangga matapos na iwasan umano ang isang humahagibis na bus. Kasalukuyang nagsasa­gawa ng imbestigasyon para sa ikalilinaw ng kaso habang ito na ang ikaapat na aksi­dente sa kalsada na kinasa­sangkutan ng mga pampa­sa­herong bus sa loob lang ng tatlong linggo. (Edwin Balasa)

BUS

DAHIL

EDWIN BALASA

HANGGANG

KASALUKUYANG

LABINLIMA

MARIIN

MEGAMALL

ORTIGAS AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with