Pulis patay sa ex-convict

Patay ang isa sa pina­ka­mahusay na imbesti­ga­dor at detective ng Pasay City Police maka­ra­ang ba­rilin ito sa dibdib ng isang ex-convict dahil lamang umano sa “dumi” ng bata, awayan ng misis nito at live-in-partner ng huli hang­gang sa mauwi sa resbakan, ka­ maka­lawa ng gabi sa na­bang­git na lungsod.

Ang biktimang si Po­lice Officer 3 Reynaldo “Boyet” Aguba, nakata­laga sa Station Investiga­tion & De­tective Manage­ment Sec­tion (SIDMS) ay namatay habang nilala­pa­tan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital bunga ng isang tama ng bala sa dibdib.

Ang suspect naman na kinilalang si Lito Ta­galog, alyas “Undo”, 31, jeepney barker, miyem­bro ng Sigue-Sigue Sput­nik Gang ay agad na tu­makas matapos ang insidente.

Batay sa imbestigas­yon ni SPO1 Allan Val­dez, may hawak ng kaso, da­kong alas-10:45 ng gabi nang mangyari ang nasa­bing insidente sa harap ng bahay ng bik­tima sa #2829 Pilapil St., Pasay City.

Nabatid sa imbesti­gas­yon na tatlong buwan na ang nakalilipas nang mag­karoon ng unang ali­tan ang asawa ng biktima na si Nonet Aguba at kina­ka­sama ng suspect na si Kristine Serrano, 26.

Lumalabas sa imbes­ti­gasyon na dumumi ang anak ng suspect sa gilid ng karinderya na pag-aari ng asawa ng pulis na ikinagalit ng misis ng huli.

Bunga nito kinum­pron­ta umano ni Gng. Aguba ang live-in partner ng sus­pect, na rito na nag­karoon ng mainitang away ang dalawang babae. Ang na­sabing alitan naman ng da­lawa ay kap­wa nakarating sa biktima at suspect.

Dahil sa insidenteng ito, kapwa naging mailap sa isa’t isa ang pulis at suspect at kamakalawa ng gabi, habang kasama ng una ang kanyang ma­nugang na lalaki, biglang dumating ang huli na ar­mado ng baril at pina­putu­kan sa dibdib nang mala­pitan ang biktima.

Nabatid naman sa re­kord ng pulisya na ang sus­pect ay may isang taong napiit sa Manila City Jail sa kasong robbery at ngayon ay ka­salukuyang barker sa parada­han ng sasakyan sa Ro­tonda/Taft Ave., na bu­mi­­biyahe ng FTI Bicutan.

Show comments