^

Metro

2 bebot hanap sa pinatay na Hapones

-

Hinahanap ng mga ta­uhan ng Manila Police District-Homicide Divi­sion ang dalawang ba­bae na sinasabing huling kausap ng na­ paslang na Japanese national sa kan­yang inookupa­hang hotel, sa Ermita, May­nila, noong Linggo ng hapon.

Sinabi ni Chief Insp. Alberto Peco, homicide chief, na ang dalawang ba­bae na namataang kausap ng biktimang si Inque Yoshihisa, 62, tu­bong-Gumma, Japan na natagpuang hubo’t-hubad at tadtad ng saksak sa Room 509 ng Manor Hotel, na nasa J. Bacobo St., Ermita, Ma­nila ang kanila nga­yong pakay upang imbestigahan.

Hindi pa umano ma­­itu­turing na mga suspect ang dalawa subalit ma­laki umano ang maitutu­long ng mga ito sa imbes­tigasyon.

Hindi pa rin ma­tukoy kung pinagna­ka­wan ang nasabing dayu­han na sinasa­bing nag­kalat ang lahat ng mga kaga­mitan nito sa silid nang matukla­sang du­guan at wala nang   buhay dakong alas-3:30 ng hapon, sa loob ng comfort room ng Manor Hotel.

Sa imbestigasyon, huling nakitang luma­bas ng silid ang bik­tima, dakong alas-11 ng gabi noong Sabado upang bu­mili ng maka­kain sa isang mini store at pagbalik nito ay nagpalit ito ng ku­warto kaya napunta sa Room 509 at simula noon ay hindi na ito lumabas ng kuwarto.

Isang putol na kut­silyo na hinihinalang ginamit sa pagpatay ang nakuha sa crime scene at 2,000 sa bul­sa ng panta­lon ng bik­tima. (Ludy Bermudo)

ALBERTO PECO

BACOBO ST.

CHIEF INSP

ERMITA

HINAHANAP

INQUE YOSHIHISA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVI

MANOR HOTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with