^

Metro

Anggulo ng inside job, lumalakas

- Danilo Garcia -

Lalong tumitibay ang anggulo ng inside job sa naganap na nakawan sa bahay ng TV host na si Willie Revillame.

Ito ang lumalabas sa pagpapatuloy ng isinasa­gawang imbes­tigasyon ng pulisya kaugnay sa pagkawala ng may P3 milyong halaga ng mga alahas ng nasabing TV host.

Nakatutok ngayon ang imbestigasyon ng QCPD sa isang uma­no’y ‘malapit’ kay Re­villame.   Ka­hapon na­man ay tulu­yan nang pinauwi ng mga awto­ridad ang dalawang kasambahay ni Re­villa­me at ngayon ay sa isang tao na malapit sa TV host nakatutok ang imbesti­gasyon.

Sinabi sa PSN ni QCPD-Criminal Inves­ti­gation and Detection Unit deputy chief, Supt. Mar­celino Pedrozo na pina­uwi na nila sina Edna Pasague, 34, ng Marilao, Bulacan; An­dresa Wen­ces­lao, 38, at kinaka­sama nitong si Danny Pacampang, kapwa resi­dente ng Loreto St., Sam­paloc, Maynila.

Ito’y matapos ma­ku­­nan ng pahayag ang mga ito na lumalabas na wala talagang kina­laman sa naganap na nakawan.

Kasalukuyan nga­yong tumututok ang QCPD-Theft and Rob­bery Section sa isang tao na kilalang malapit umano kay Revillame na posibleng may alam sa krimen. Tumanggi muna si Pedrozo na ilabas sa pahayagan ang pangalan ng hini­hinala nilang sus­pek upang hindi ma­sunog ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Matatandaan na na­tuklasan kamaka­lawa ng madaling-araw ni Re­villame ang pagka­wala ng may 17 niyang kolek­syon ng mamaha­ ling relo sa kanyang kuwarto sa kanyang bahay sa ex­clu­sive sub­division sa Co­rinthian Hills, Brgy. Ugong Norte, Quezon City. Nagtataka ito kung paano nalaman ng sus­pek ang kinala­lagyan ng kanyang mga duplicate na susi ng kan­yang aparador kaya hi­nihinala na nag­karoon ng inside job sa krimen.

vuukle comment

CRIMINAL INVES

DANNY PACAMPANG

DETECTION UNIT

EDNA PASAGUE

LORETO ST.

PEDROZO

QUEZON CITY

SHY

THEFT AND ROB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with