4 OFW naaksidente

Apat na overseas Filipino workers ang nasugatan sa isang aksidente sa kalsada sa Saudi Arabia na ikina­matay ng tatlong katao.

Batay sa ulat na naka­rating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs, ang tatlo sa mga OFW na nasaktan sa aksidente ay nakilalang sina David Carlie, Alfred Angeles at Noel Vasquez, pawang emple­yado ng Saudi Cement Company.

Nasa maayos na uma­nong kondisyon ang mga ito.

Isa pang ’di nakilalang Pinoy na kabilang din sa aksidente ay sinasabing nasa kritikal namang kon­disyon.

Batay sa ulat, kabilang sa mga nasawi sa road accident ay dalawang Indian national at isang Egyptian.

Lumilitaw na sakay ang mga biktima ng Saptco Bus at bumibiyahe sa Abha-Jizan zigzag tunnel patu­ngong Jeddah nang maga­nap ang aksidente.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng bus sa sasakyan na bumaligtad na naging sanhi ng agarang ka­matayan ng tatlong dayu­hang pasahero nito at ikina­sugat naman ng iba pa na kinabibilangan ng mga OFW. (Mer Layson)

Show comments