^

Metro

Prangkisa ng Fermina bus sinuspinde ng LTFRB

-

Sinuspinde ng Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng isang buwan ang franchise ng Fermina bus na nakapatay ng 6 ka­tao at nakasugat sa 56 iba pa sa isang trahedya sa Pampanga noong nakara­ang Sabado.

Sinabi ni LTFRB chair­man Thompson Lantion na ang naturang suspension ay para sa lahat ng 10 units ng Fermina Express line na may rutang Alabang, Tarlac at Dau sa Pam­panga.

“The suspension will take effect while the inves­ti­gation is ongoing,” pa­hayag ni Lantion.

Una rito, inirekomenda ng LTFRB Central Luzon office kay Lantion ang cease-and-desist order laban sa Fermina bus com­pany na pagmamay-ari ni IMBOA Vice President Juliet de Jesus batay sa inisyal na report ng Philip­pine National Police hinggil sa naganap na aksidente.

Si de Jesus din ang may ari ng Armtrak Inc , ang isa sa mga bus na nakipag karerahan sa 2 pang bus sa Edsa sa may Kampo Aguinaldo na dito namatay ang isang doktor   habang sakay ng kanyang Mer­cedes benz.

Sinasabing naganap ang aksidente nang mag-overtake ang Fermina bus sa isa pang sasakyan kayat nabangga nito ang sasakyang Revo sa ka­habaan ng North Luzon Expressway sa Pam­panga. (Angie dela Cruz)

ARMTRAK INC

CENTRAL LUZON

FERMINA

FERMINA EXPRESS

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

KAMPO AGUINALDO

LAND TRANS

LANTION

NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with