^

Metro

Seaman kinotongan ng money changer

-

Dinakip ng mga ta­uhan ng Manila Police District-District Special Police Unit ang isang 52 anyos na teller ng isang money changing shop makaraang ireklamo ng isang seaman na nagpa­palit ng $2,000 dolyar sa Mabini, Ermita, Maynila.

Nakapiit ngayon sa presinto ang suspect na si Precy Mariano, tubong Pampanga at nakatira sa 507 Sta. Monica St., Mabini matapos na ma­aresto ni PO2 Angelito Gaviola sa loob ng Gigs Money Changer.

Ayon sa imbestigas­yon ni PO3 Amador Ja­reno Jr., naghahanap ang bikti­mang si Anthony Mark Tobias, 25, ng money changer na mag­pa­palit sa mas ma­taas na halaga ng kan­yang perang dolyar nang la­pitan ng suspek at isang alyas Ma­rilyn at inalok na palitan ang kan­­yang dolyar sa pali­tang P50$1.

Binilangan siya ng suspect ng P100,000 bilang kapalit sa kanyang $2,000 pero nang muli niya itong bilangin sa loob ng BPI Bank, Adriatico branch kinalaunan ay natuklasan niyang kulang ng P50,000 ang ibinigay na pera ng suspek. (Doris Franche)

vuukle comment

ADRIATICO

AMADOR JA

ANGELITO GAVIOLA

ANTHONY MARK TOBIAS

DORIS FRANCHE

GIGS MONEY CHANGER

MABINI

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT SPECIAL POLICE UNIT

MONICA ST.

PRECY MARIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with