^

Metro

Cremation sa Manila ililibre ni Mayor Lim

- Doris Franche-Borja -

Inihayag kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbibigay ng lib­reng cremation sa mga nagna­nais na itabi ang abo ng ka­nilang namatay na mahal sa buhay.

Sa kanyang paglilibot kahapon sa Manila North Cemetery, agad na inata­san ni Lim sina City Administrator Jesus Mari Marzan, chief of staff Ric de Guz­man, city engineer Armand Andres at Manila North Cemetery head Peter Tamondong na ting­nan ang bagong tayong crematory na nasa entrance ng nasa­bing libi­ngan.

Ayon kay Lim, uma­abot sa daang libo ang ha­laga ng cremation subalit, sa lungsod ng Maynila, libre lamang itong ibibigay ng city go­vernment para sa mga hirap makahanap ng lugar sa Manila North Cemetery bunga na rin ng pagsisiksikan dito.

 Ayon kay Lim ang kan­yang kautusan ay ba­hagi ng kanyang probis­yon ng pagbibigay ng   lib­reng libing na bahagi sa kanyang proyekto na ‘womb to tomb’ para sa mga Manilenyo.

Ipinaliwanag ni Lim na kabilang din sa kanilang “womb to tomb” program ay ang pagbibigay ng lib­reng pre-natal sa mga buntis hanggang sa pag­bi­bigay ng libreng konsul­tas­yon sa mga bagong pa­nga­nak na bata.

ARMAND ANDRES

AYON

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

INIHAYAG

IPINALIWANAG

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA NORTH CEMETERY

PETER TAMONDONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with