Obrero inatado

Namatay habang isinusugod sa pagamutan ang isang binatang factory worker na si Alfred Espana, 22, na tinadtad ng saksak ng isang binatilyo habang ang una ay papauwi kasama ang ama nito kahapon ng madaling-araw sa lungsod Caloocan.

Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Hipolito Gonzales Jr., 18, ng Llano Road, Damong Maliit, Novaliches, Quezon City na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Naganap ang insidente dakong alas-3:50 ng madaling-araw sa labas ng Kubo KTV na sa ka­habaan ng Llano Road ng nabanggit na lungsod.

Pasakay ng Suzuki motorcycle ang biktima kasama ang ama nitong si Godofredo nang bigla na lamang silang pagbabatuhin ng suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments