Ayaw magpautang ng alak, binoga
Dahil sa pagtangging magpautang ng alak, isang 40 anyos na may-ari ng isang sari-sari store ang pinasabog ang bungo nang barilin ng isang lalaking nabigong makainom ng alak kamakalawa ng gabi sa Baseco, Port Area, Maynila. Agad na nasawi ang biktima na si Roberto Buisa, residente ng WMC, Block15 Gasangan, Baseco dahil sa tama ng bala sa ulo.
Sa salaysay ng live-in partner ni Buisa na tinukoy lang sa alyas na “Cora”, narinig niya ang pagtanggi ng biktima sa pangungutang ng alak ng suspek.
Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig niya ang putok ng baril mula sa tindahan kaya inalam niya ito at doon natuklasang nakahandusay sa loob ng kanilang tindahan ang biktima at umaagos ang dugo sa ulo. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending