^

Metro

Utak sa Leyte mass killing nalambat

-

Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng pulisya at intelligence operatives ng Armed Forces of the Philip­pines ang isang lider ng rebeldeng New People’s Army na sangkot sa Leyte mass killings noong 1985 sa isinagawang operasyon sa Amparo Village, Caloocan City, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni AFP-Public Information Office Lt. Col. Ernesto Torres ang nasakote na si Norberto Murillo alyas Ka Norly / Ka Namu, 55-anyos.

Si Murillo ay nahaharap sa 15 counts ng multiple murder na isinampa sa Branch 18 ng Hilongos, Leyte Regional Trial Court na inilipat sa Branch 32 ng Manila RTC. Bukod dito nahaharap rin sa dalawang kaso ng pagpatay si Murillo sa Leyte Provincial Pro­secutor’s Office. (Joy Cantos)

AMPARO VILLAGE

ARMED FORCES OF THE PHILIP

CALOOCAN CITY

ERNESTO TORRES

JOY CANTOS

KA NAMU

KA NORLY

LEYTE PROVINCIAL PRO

LEYTE REGIONAL TRIAL COURT

NEW PEOPLE

NORBERTO MURILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with