Ex-vice Mayor sa Saranggani tinodas sa Tondo

Namatay ang dating Vice Mayor ng Maitum, Saranggani Province ma­tapos tambangan ng dala­wang lalaki kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Felix Reganit, 54, bunga ng tinamong tat­ long tama ng bala sa ka­tawan mula sa kalibre .45 baril ng mga suspect.

Bagamat may itinutu­rong mga suspect, pansa­mantalang hindi muna ibinunyag ang pagkilanlan ng mga ito habang isinasa­gawa ang imbestigasyon. Sinisilip ang anggulong may kinalaman sa ne­gosyo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa compound ng Luz Ice Plant Storage sa H. Lopez Boulevard, Balut, Tondo. Sinabi ng may­bahay ng biktima na kini­lalang si Eloisa Reganit, nagpaalam sa kanya ang asawa dahil may kakau­sapin lamang umano ito sa nasabing lugar.

Sa panig naman ng security guard ng naturang ice plant na si Alfredo San­chez Jr., nakita niya na lamang na nakabulagta ang biktima at duguan.

Sinabi ng imbestigador na kakilala ng biktima ang dalawang suspect at posibleng ang kausap nito na karibal sa negosyo.

Nabatid na nagne­ne­gosyo ng mga tuyo at da­ing ang biktima na hina­hango sa Maynila patungo sa Saranggani. (Ludy Bermudo)

Show comments