^

Metro

Exodus ng mga tao sa Undas umariba na

-

Nagsimula nang umariba kahapon sa mga terminal sa Metro Manila ang exodus ng mga tao na nagtutungo sa mga probinsiya kaugnay ng pag­gunita sa Undas sa Nobyembre 1 at 2.

Bunga nito ay pinaigting ng PNP ang police visibility sa mga pampublikong lugar, partikular na sa mga terminal ng bus, daungan, paliparan, MRT at LRT stations.

Kahapon ay pinangunahan mismo ni PNP Chief Director Jesus Verzosa ang pag-iinspek­syon sa daungan sa lungsod ng Maynila habang si NCRPO chief Director Jefferson Soriano ay sa mga terminal ng bus sa Kamaynilaan.

Inatasan din ni Verzosa ang mga hepe ng pu­lisya na palakasin ang police visibility upang ma­supil ang mga masasamang elemento na mam­biktima ng mga taong magtutungo sa sementeryo.

Kabilang naman sa ininspeksyon ni Soriano ay ang Central Terminal sa lungsod ng Maynila kung saan ay namahagi ito ng mga pamphlets sa mga commuters para makaiwas sa mga masa­samang elemento sa kanilang pagbiyahe.

Sa nasabing paglilibot nina Verzosa at Soriano ay kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga pasa­hero na inaasahang higit pang darami mula ngayong araw. Ang PNP ay nagpatupad ng full alert status habang nag-umpisa na ring mag-deploy ng karagdagang mga pulis, partikular na sa mga malalaking sementeryo sa Kamaynilaan. Nabatid na kabuuang 3,500 pulis ang ipakakalat ng NCRPO sa may 74 sementeryo sa Metro Manila. (Joy Cantos)

CENTRAL TERMINAL

CHIEF DIRECTOR JESUS VERZOSA

DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

JOY CANTOS

KAMAYNILAAN

MAYNILA

METRO MANILA

SHY

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with