^

Metro

Duwelo: 1 patay, 1 kritikal

- Ni Ludy Bermudo -

Mistulang eksena sa pelikula nang mag-duwelo ang mortal na magkaaway kung saan isa ang nasawi habang ang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. 

Kapwa isinugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital ng mga bystanders ang biktimang si Brian David, ng Lakandula St. , Tondo na idineklarang dead-on-arrival at ang nakaaway niyang si Danilo Villarisco, residente ng Wagas St., Tondo, na nagtamo ng mga saksak sa katawan at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang mainit na labanan sa harap ng bahay ni David dakong alas-12:30 ng madaling-araw.

Sa nakalap na impormasyon ng imbestigador, ang dalawa ay naging magkalabang mortal matapos umanong tumestigo si David laban kay Villarisco sa kasong theft.

Sinabi naman ng ilang saksi na bigla na lamang lumutang ang suspect na si Villarisco na armado ng kalibre .38 baril at habang nakatalikod si David ay itinutok sa ulo at pinuputukan subalit napa­harap ang huli kaya sa kanang pisngi siya tinamaan ng bala.

Dahil malapitan, nagkaroon ng pag-aagawan ng baril hanggang sa paputukan muli ni Villarisco sa tiyan si David.

Nang papatakas na si Villarisco, sugatan man si David ay nakapagbunot pa ito ng kutsilyo at nang makorner niya ang una ay tinarakan ng sunud-sunod.

Kapwa lumugmok sa kalsada ang dalawa at doon lamang isinugod sa pagamutan pero minalas na masawi si David.

vuukle comment

BRIAN DAVID

DAHIL

DANILO VILLARISCO

DAVID

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

KAPWA

LAKANDULA ST.

MAYNILA

VILLARISCO

WAGAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with