^

Metro

MPD cop bugbog-sarado sa 5 NBI agents

-

Basag ang mukha ng isang pulis-Maynila mata­pos umanong pagtulu­ngang gulpihin at paluin ng baril ng umano’y limang ahente ng NBI bunsod lamang ng sim­pleng git­gitan ng kanilang sasakyan sa Tondo, May­nila kaha­pon ng mada­ling-araw.

Ito ang reklamong idi­nulog ni PO3 Rodolfo Pas­cual, 46, nakatalaga sa MPD Police Precinct sa Plaza Miranda.

Isa umanong Atty. Eli­zardo Bermudez, ahente ng NBI at apat pang ka­samahan nito ang bu­mug­bog sa kanya.

Nabatid na dakong alas-12:05 ng madaling araw habang papauwi ng bahay at binabagtas ang ka­ha­ baan ng Tayuman St., sakay ng kanyang motor­siklo ay na-cut umano siya ng sasakyan ni Ber­mudez na isang kulay blue na Pajero.

Hindi umano ito ininda ng biktima at nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa sumapit sa panulukan ng Juan Luna at Yuseco Sts., Tondo nang muli siyang i-cut kaya sinita na niya ang nasabing sasak­yan ng NBI.

Agad umanong nag­pa­kilalang NBI si Ber­mudez at kasabay umano nito ang pagtawag sa cellphone.

Ilang minuto pa ay dumating sa lugar ang isang kulay green na Adventure, sakay umano ang apat pang mi­yembro ng NBI.

Magpa­pa­kilala umano siyang pulis subalit pwer­sahan siyang isinakay sa Adventure at pinalo umano siya ni Bermudez ng Magnum .357 sa mukha ha­bang pinagtulungan na­mang bugbugin ng mga kasa­mahan nito.

Nang matapos bug­bugin ay binitbit siya sa tang­gapan ng NBI-Anti Graft Division (AGD) kung saan nakausap siya ng hepe na si Atty. Allan Con­tado, at hinimok na “usa­pang lalaki na lamang”; “ayusin na lang ang kaso” at umano’y siya nang ba­halang ma­kipag-usap kay Bermudez.

Dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang pa­yagan na siyang umuwi at isinoli ang mga kinum­pis­kang gamit. (Ludy Ber­mudo)

vuukle comment

ALLAN CON

ANTI GRAFT DIVISION

BERMUDEZ

JUAN LUNA

LUDY BER

PLAZA MIRANDA

POLICE PRECINCT

RODOLFO PAS

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with